Monday, August 24, 2009

New Philippine Revolution: Robotic Garci, part 1

New Philippine Revolution: Robotic Garci, part 1


Heto na nga ba ang sinasabi kong problema sa automated elections sa 2010.

Biruin niyo, pwede pa lang i-hack ang automated election machine na gagamitin. Sa kabila ng pag-aakalang bumuboto kayo sa bawat pagsilid ng balota sa voting machine, hindi niyo mamamalayan na hindi pala nare-record ang inyong boto at ang itra-transmit ng makina eh mga pekeng boto.

Sino ang makikinabang sa ganitong sistema? Eh di siyempre, ang makikinabang diyan ay kung sino man ang mamanukin ng pekeng Pangulo na si Gloria Arroyo!

Thursday, July 30, 2009

Jamby Madrigal protector ng estapador

TIYAK ABSWELTO ANG ESTAPADOR at MANG-OONSE na si El Rey Madrigal Bichara, ang pinsan ni SENATOR JAMBY MADRIGAL.

Mantakin niyo, matapos nitong lokohin at linlangin ang isang hamak na empleyado ng isang cellphone shop sa Davao City sa pamamagitan ng pag-isyu ng talbog na cheke o bouncing check, nakuha pa ni EL REY MADRIGAL BICHARA na magsumbong sa kanyang pinsan na si SENATOR JAMBY MADRIGAL.

Oo!

Pumunta si El Rey sa Senado upang dumulog sa tanggapan ng kanyang pinsan matapos mag-isyu ng bouncing check. Todo drama pa ang mokong na halos maglupasay sa hallway ng fifth floor at muntik-muntikanan nang damputin ng security guard ng Senado.
Dahil dito, nagkarapa ang mga staff ni Jambiboy upang ikubli ang pinsan ni Jamby Madrigal sa opisina niya kung saan doon nagpatuloy ang drama.

Hahay!

Binaliktad ni El Rey ang lahat ng pangyayari at sinabing hindi tumalbog ang cheke na inisyu niya, kungdi KINANSELA niya ito dahil hindi daw nagdeliver ang inisyuhan nito ng cheke.

Siya pa raw ang binantaan ng cellphone dealer!

Huwaw!
Kaya, waring protektado na at hindi abot ng kamay ng batas ang pinsan ni Jamby Madrigal na si El Rey. Ikinukubli na ito sa isang safehouse sa loob ng kamaynilaan at masarap ang buhay nito.

Pero, ang hindi nila maikukubli ay ang mga cheke na ito na tumalbog!


Tuesday, June 9, 2009

Pinsan ni Jamby Madrigal ESTAPADOR , P400,000 ITINAKBO!


ESTAPADOR at MANG-OONSE ang pinsan ni Senadora Jambiboy Madrigal na si El Rey Madrigal Bichara.

Mantakin niyo, tinakbuhan ng pinsan ni Jamby ang isang empleyado ng Officer In Charge ng isang cellphone retail store sa Davao.

Paano kasi, nag-isyu ang mokong na si El Rey MADRIGAL Bichara ng mga cheke sa naturang cellphone retailer na nagkakahalaga ng P 400,000.

Noong una, ayon sa pobreng cellphone retailer, nag-iisyu ng cheke ang naturang pinsan ni Jamby at maayos naman itong nae-encash. Pero, matapos ang ilang transaksyon, nagtalbugan na ang mga iba pang mga cheke nito. Closed Account na daw, anya ng banko!

Hindi makatulog at natutuliro na ang naturang cellphone retailer dahil mawawalan na nang trabaho at maaari pang makulong dahil sa kagaguhan ng pinsan ni Jamby na si El Rey MADRIGAL Bichara.

Panay-panay ang pagmamakaawa ng naturang empleyado ng cellphone retailer pero hindi ito pinapansin ni El Rey. Hindi ito sumasagot sa mga tawag at text ng kawawang empleyado ng cellphone retailer.

AT ANG MASAMA PA, pinagbantaan na ang buhay nito ng kamaganak ni Jamby!

Napilitan na tuloy ang pobreng empleyado ng cellphone retailer na MAGMAKA-AWA na kay Senadora Jambiboy para mapagsabihan ang naturang pinsan na magbayad na.

Pero, manhid at walang imik at patay malisya naman ang Senadorang Jambiboy sa pagsusumamo ng naturang empleyado na cellphone retailer!


Anya ng isang supporter ni Jamby, kawawa talaga ang empleyado ng cellphone shop na ito at mukhang siya mismo ang magbabayad sa pang-gagantso ng PINSAN NI JAMBY na si EL REY!

Tuesday, June 2, 2009

Senator Jamby Madrigal, kakampi ni Hayden Kho!

Bistadong-bistado ni Rey Marfil, ang ating idol na kolumnista at reporter sa Senado kung ano talaga ang laro ni Senator Jamby Madrigal sa ginawa nitong hearing tungkol sa Hayden Kho sex tapes.
Heto't kinopya ko dito sa blog natin ang mga isinulat ng batang taga-Romblon sa column niya ngayong araw.

Sa nangyaring sex vi­deo probe sa Upper House, unang na-bad trip ang Se­nate reporters, aba’y feeling-very important person (VIP) si Donya Consuelo, alyas Jamby. Mantakin n’yo, pasado alas-3:00 ng hapon nagsimula ang public hearing gayong ala-1:30 ang original schedule, as in isa’t kalahating oras na-delay gayong kumpleto ang resource persons na pinatawag ng komite.

Ibig sabihin, wala sa bisita ang pagka-atrasado ng public hearing kundi sa mismong chair kaya’t maraming nagtaa­san ng kilay kung bakit nagpapa-importante ang ‘ex-bestfriend’ ni Peter Sing at kung anong gimik ang pumasok sa kukote ng mga nagmamagaling sa kampo ni Donya Consuelo.

In fairness kay Donya Consuelo, ito’y biktima rin ng mga sipsip at nagmamarunong sa kanyang kampo. Hindi natin babangitin ang pangalan kung sinong abogadong pulpol ang nagbibigay ng mga sablay na payo sa lady solon subalit kapansin-pansing iisang tao lamang ang pinakikinggan ni Donya Consuelo kaya’t hindi nagtatanggal ng earphone.

Balikan ang sex vi­deo probe, hindi ba’t ‘protector’ ni Dr. Hayden Kho ang tingin ng publiko kay Dona Consuelo? Kahit sinong kurimaw ang tanungin ni Gary, iisa lang ang opinyon sa kanyang boss - ito’y kakampi ni Atty. Lorna Kapunan, aba’y nakipag-deal sa isang executive session at nagawa pang nakipag-meeting bago inumpisahan ang hearing kaya’t hindi masisisi ang publiko kung mag-isip ng negatibo. Mabuti lang, pumalag sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Bong Revilla kundi nakinig sa dingding ang publiko!



GANYAN TALAGA ANG KUMPANYERANG KUBA NA SI JAMBIBOY! Saksakan ng pagbabalat kayo!

Akala mo ang linis linis ng intensyon, pero huwag ka! Puro pagpapakitang tao lang ang ginagawa pero ang tunay na pakay niya eh ang magpasikat lang at GAMITIN SILA HAYDEN AT KATRINA PARA SA SARILING AGENDA.

Sunday, May 31, 2009

Jambiboy, kinapos sa hearing laban kay Villar

Kinapos si Senadora Jambiboy sa paghahayag ng mga paratang labang kay Senator Manny Villar at pinagpaliban ang pagsasalang ng mga akusasyon laban dito sa susunod pang mga hearing.

Walang bago at pag-uulit lang ng mga naunang mga paratang kay Villar.

Ang iba ay mukhang lipas at panis na dahil nangyari pa ito nuong kongresista pa si Villar. Malamang tama ang kampo nila Villar na walang basehan ang mga de-kuryenteng akusasyon ni Jambiboy.

Talagang mukhang pumuporma lang para sa kanyang eleksyon si Jambiboy na nagmumukhang puppet ni Senator Ping Bading Lacson.

Kung tatakbo itong si Jamby bilang Presidente at si Ping naman ang kanyang Vice President, tiyak si Danton Remoto ang isa sa kanilang magiging senator. Isama pa diyan sila Joey Salceda, Romulo Neri, German Moreno, Manoling Morato, at Gabby Claudio.

Biruin niyo naman ang ka-cheapan din nitong si Jambiboy, pati sex tape ni Hayden Kho pinatulan eh sa sobrang kabobohan puro walang kinalaman sa batas ang mga pinagtatanong.

Matapos ang hearing niya kay Hayden, panay naman ang yaya nitong makipag-private session sa kanya.

Sabay pa ang pagsambit na, may hidden cam siya sa kwarto.

Hindi pa rin pumatol si Hayden kay Jambiboy, ang kampanyerang KUBA!

Thursday, May 28, 2009

Senadora Jambiboy nanguna sa peryahan sa senado

Abah! 


Daig pa ng senado ang isang peryahang kalimitang makikita sa mga piyesta ng mga santo at santang naglipana sa 
buong bansa.

Siyempre pa, pinangunahan ito si Senadora Jambiboy na
 nahalal dahil napagkamalan ng mga bobong masa noong 2004 na si Judy Ann Santos.  Akala nila ang binoboto
 nila si Judy Ann at hindi si Kampanyerang Kuba.

Paano naman kasi, imbis na asikasuhin ang pag-gawa ng batas at iba pang mas mahalagang gawain ng mambabatas, eh inuuna pa ang pagsawsaw sa Hayden Kho sex video scandal.

Ewan ko lang talaga kung ano ang mapapala ng tao sa ginagawa nitong si Senadora Jambiboy na dahil nga daw Chairman ng Committee on Women and Youth ng senado eh may lisensya nang magpatawag ng mga artistang mahilig magkang-kangan sa harap ng video camera.

Hay! Oo nga naman!

Punong-puno ng drama ang mga kaganapan sa senado.





Una ang pagbubuhos ng tubig kay Hayden Kho na parang eksena
 sa isang teleserye.  Hinihintay ko na lang na may manampal bigla.

Tapos ang pamumustura ng dalawang artistang naging senador na si Bong Revilla at si Jinggoy Estrada.

Blockbuster na masasabi ang palabas ni Senadora Jambiboy, may patutsada pang maaaring may sangkot dito na isang malaking drug syndicate at ito diumano ang siyang kumuha ng pwersahan mula kay Hayden ng mga sex video.  

Tiyak! Napulot na naman ito ni Jambiboy mula sa barbero ng kalbo niyang asawa.

Pero bakit nga ba atat na atat si Jambiboy na sumawsaw sa Hayden Kho sex scandal?  Paano kasi, sinabihan ito ni Judy Ann na ayaw na talaga niyang maging endorser ni Jamby.

Paano na naman niya maloloko ulit ang mga masa sa 2010 na iboto siya kung wala na siyang celebrity endorser?

Hindi si Judy Ann ang unang artistang sinikap niyang kupkupin at alagaan upang maging endorser niya sa halalan. 
 
Matapos itong mahalal nung 2004, dumating sa buhay niya si Alec Bovick na dumulog dahil inaabuso daw ito ng kanyang manager.  Abah! Sa sobrang pagkahilig sa artista, agad-agad itong nagbigay ng apartment na magsisilbing safehouse ni Alec.  At hindi lang iyan, pati allowance binigyan pa si Alec.  Pero, sa kalaunan, matapos magamit para sa publicity, initsa na lang na parang lumang edisyon ng FHM.

At ngayon, meron na naman siyang aakayin na artista sa katauhan ni Katrina Halili na sobrang drama ang opening statement.

"Artista po ako. Trabaho ko ang maghatid ng tuwa. Pantasya ng telebisyon at pelikula. Pero tulad ng iba may pribado ring buhay din ako gaya ng lahat. Sa pagkakataong ito. dangal ko at dangal ng pamilya ang pinag uusapan dito. Minahal ko si Hayden. bata ako kaya madaling nalagyan ng piring ang aking mga mata para isisping ako lang ang nagmamay ari ng puso niya. pero gaya ng lahat ng relasyong nagsimula sa kasinunagalingan wala itong pinatunguhan. 

Wala akong malay na ang bawat yakap at halik ay scripted. Buong-buo kong binigay yung puso at ang kaluluwa ko sa isang lalaking gumagawa pala ng sariling pelikula. Ang tanga ko. Imbes na doktor, direktor pala. Inaamin ko ang pagkakamali ko. Ang pagkakamali ko ay minahal ko siya. At naniwala ako na minahal nya rin ako ng lubusan.

Ako raw ang prinsesa niya sa ikalawa niyang mundo. Bata po ako madali niya ako napaniwala. Ako ang biktima rito. Araw-araw biktima ako habang pinapanood ang nasabing video. Hangad ko po ang hustisya at hukuman kahit alam kong habang buhay ko nang dadalhin ang ginawa sa akin.

Pero, bakit ba tila mahilig sa babaeng celebrity itong si Jambiboy. Hmmm?  At ngayon, ikalawang sexy star na ito sa buhay niya.

At siyempre bakit siya titigil sa isang celebrity endorser sa katauhan ni Katrina Halili kung pati si Hayden Kho eh magiging endorser din niya.

Sabi pa nga nito, "Dalawa ang biktima dito.  Una si Katrina na kinunan ng sex video at ikalawa, itong si Hayden na biktima ng droga."

Abah!

Mukhang namumuro si Senadora Jamby ah.  Biruin niyo, nakasalang sa committee of the whole ngayon ang kaso niya laban kay Senator Manny Villar at ngayon, nakasalang sa committee niya ang Hayden-Katrina scandal.

Sobrang daming publicity niyan ah!

  © Blogger template 'Darken' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP